WIMBLEDON WOMEN~S CAP_LugaLONDON (AP) — Kung napaatras ng Zika virus ang pinakamalalaking pangalan sa golf, hindi kayang pasukuin ang mga premyadong tennis player.

Sa pangunguna ni defending men’s champion Andy Murray ng Great Britain, sasabak sa Rio Games ang mga bituin ng tennis.

“My plan is still to play,” pahayag ni Murray matapos ang ensayo para sa Wimbledon.

Hindi rin pahuhuli si Roger Federer, pinakamaraming major title sa 17.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“I’ll put mosquito spray on my body and take the precautions I have to,” pahayag ni Federer, silver medalist kay Murray sa London game, apat na taon na ang nakalilipas.

“I’m not afraid of Zika,” pahayag ni Petra Kvitova, ang two-time Wimbledon champion mula sa Czech Republic. “I will definitely go there,” aniya.

Kung wala rin namang iindahing injury, iginiit ni Spanish superstar Rafael Nadal na lalaro siya sa Rio.

Sa kabila ng kakulangan sa kaalaman sa Zika virus, ipinahayag ni French Open champion Garbine Muguruza na walang dahilan para hindi siya makipaglaban sa Olympics.

“I don’t really know what is Zika,” ayon sa Spaniard.

Ang Zika virus ay mula sa lamok at naisasalin sa pamamagitan ng pakikipagtalik, ayon sa pagsusuri ng World Health Organization (WHO) kung kaya’t tumaas ang bilang ng mga atletang umatras na maglaro sa Rio Games.

“For me, it’s like another Grand Slam,” pahayag ni Federer, ama sa apat na supling.

Taliwas ang kanilang paninindigan sa mga binatang golf star tulad nina Rory McIlroy ng Ireland at Adam Scott ng Australia. Tulad nila, umatras ding lumahok sa golf competition, lalaruin sa Olympics sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1904, sina major champion Charl Schwartzel, Louis Oosthuizen, Graeme McDowell, at Vijay Singh.