Kinastigo ng kanyang mga kasamahang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) si Chairman Andres Bautista kasunod ng patungo nito sa Japan noong Huwebes nang hindi nagtatalaga ng officer-in-charge (OIC).

Ayon kay Comelec Commissioner Christian Robert Lim, walang iniwang in-charge si Bautista nang mag-leave of absence ito, gayung dati ay nagdaraos muna sila ng en banc meeting upang talakayin ang pagtatalaga ng acting chairman sa tuwing lalabas ng bansa ang Comelec chief.

Sinabi naman ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na umalis si Bautista nang walang travel authority mula sa poll body.

Napaulat na hiniling ni Guanzon sa Bureau of Immigration (BI) na imbestigahan ang hindi awtorisadong pagbiyahe ni Bautista.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nilinaw naman ni Bautista na nag-isyu siya ng travel alert at may mga existing memorandum naman na nagsasaad na ang senior commissioner ang dapat na umaktong acting chairman sa panahong wala ang chairman ng poll body. - Mary Ann Santiago