Magkatuwang na hinimok ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DoH) ang mga estudyante na iwasang simulan ang paninigarilyo dahil mahirap itong itigil.

Sa isang programa sa Rizal National High School sa Pasig City nitong Huwebes, binigyan-diin ng mga opisyal ng DepEd at DoH na dapat iwasan ng mga bata ang paninigarilyo upang hindi malagay sa peligro ang kalusugan ng mga ito.

“For those of you who have unfortunately started, I urge you to quit immediately,” sabi ni DoH Secretary Jannete Loreto-Garin.

Ipinupursige ng DoH ang paglalagay ng graphic health warning sa kaha ng sigarilyo upang magsilbing babala sa pagkakaroon ng iba’t ibang sakit na makukuha sa paninigarilyo, gaya ng cancer sa lalamunan at baga na madalas humahantong sa kamatayan.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

Sa Lunes, Hunyo 27, magsasagawa ng programa sa paaralan upang ipalaganap ang impormasyon sa kabataan laban sa paninigarilyo. (Mac Cabreros)