NASUGBU, Batangas - Kalaboso ang dalawang waitress makaraang habulin ng mga awtoridad matapos silang umiwas sa checkpoint at makuhanan umano ng ilegal na droga sa Nasugbu, Batangas.

Nasa kostudiya na ng pulisya sina Ana Marie Apostol, 34; at Charlene Reyes, 30 anyos.

Ayon sa report ni PO3 Ramon Sale, dakong 5:30 ng hapon nitong Huwebes nang parahin sa checkpoint ng Nasugbu Police ang mga suspek na lulan ng motorsiklong minamaneho ni Apostol, sa Barangay Lumbangan.

Hindi umano huminto ang motorsiklo kaya hinabol sila ng mga pulis at nang maabutan ay nakumpiskahan ng tig-isang sachet ng hinihinalang shabu ang dalawang suspek.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nabatid sa record ng pulisya na nasa drug watch list ng Nasugbu si Apostol, na naaresto sa isang pot session noong 2013. (Lyka Manalo)