DAHIL sa sobrang hilig sa physical activities at sa the great outdoors, sorpresang ibiniyahe ni Gerald Anderson ang kanyang avid supporters sa Ocean Adventure nitong nakaraang Linggo, June 12.
Natupad ang soldier dreams ng Pinoy Big Brother Teen Edition season 1 alumnus sa isang buong araw pagdiriwang ng kanyang 10th anniversary sa entertainment business, na tinawag niyang The Anderson Boot Camp.
Para lalo pang tumindi ang military feel, ang fan groups ay binigyan ng kani-kanilang team names.
Binuo ang Team Army ng AshRald at Sagefied members, Team Coast Guard naman ang itinawag sa Super Friends at Gerald’s Angels, ang Team Air Force ay binuo ng Geraldnaticx, Team Navy naman ang Solid Kimeralds, at Team Marines ang Kimerald 4ever members.
Personal na inasikaso ni Gerald ang supporters niya at sinalubong ng welcome speech sa venue. Bukod sa fans, dumating din sa event ang mga kaibigan ng actor tulad ni Joe Vargas, na nanguna sa warm up session bago opisyal na nagsimula ang games.
Unang nagtunggali ang supporters sa cheering competition na pinanalunan ng AshRald at Sagefied (Team Army).
Ayon kay Gerald, matagal na niyang gustong sumali sa totoong boot camp kaya ito ang ginawa niyang theme ng kanyang anniversary event.
“This is my way of giving back to them for the past 10 years of support,” paliwanag ng aktor kung bakit pinili niyang makapiling ang kanyang mga tagahanga ang espesyal na okasyong ito.
Ang boot camp’s obstacles ay dinisenyo at ipinangalan sa nakaraang projects ni Gerald. Kaya ang pangalan ng mga ito ay Meso Soup, Mayan Pizza, Inside Track, Challenge Pitch, Budoy Factor, Bone to Pick, Kayak, and Catch Me I’m Rollin’.
Pagkatapos ng mainitang paligsahan, itinanghal na first place ang Gerald Angels and Super Friends (Team Coast Guard).
Ayon kay Gerald, inabot ng halos anim na buwan ang paghahanda para sa boot camp, na isang paraan para maibahagi niya sa kanyang fans ang active lifestyle niya.
“‘Yan ‘yung number one factor kasi as a person nasa isang position ako to inspire other people and ‘yun ‘yung mga gusto kong i-inspire, eh. ‘Yung maging physically active and healthy,” he said.
Pagkatapos ng event proper, naki-bonding at nakipagkuwentuhan si Gerald sa supporters niya. Natapos ang boot camp sa masaganang kainan sa boot camp boodle fight style.
Katuwang ni Gerald sa pagdiriwang ng kanyang 10th year anniversary event ang kanyang sponsors na kinabibilangan ng Ocean Adventure, Cosmo Cee, Hearts & Bells, H&M, UniSilver, Kopiko LA Coffee at Secosana Urban Bags.