Sinabi ni Senate President Franklin Drilon na nakatuon ang Senado sa pagpapakilala ng mga pagbabago sa Anti-Money Laundering Act at pagpapalawak sa saklaw nito para isama ang mga casino, at posible maging ang real estate at sining.

“We will amend the Anti-Money Laundering Act, which will now include casinos. As far as widening the coverage of the AMLA, we will do it,” sabi ni Drilon sa panayam ng ANC Headstart.

Nais ng mga senador na isama ang mga casino sa ilalim ng sakop ng AMLA upang mapabuti ang estado nito sa Financial Action Task Force (FATF), ang international body na sumusubaybay at sumisikap na mapigilan ang money laundering at terrorist financing.

Kasalukuyang nasa “grey list” ng Paris-based group ang Pilipinas, at kapag na-blacklist ng FATF, magdurusa ang bansa sa mas mataas na halaga ng financial transaction sa ibayong dagat at direktang maaapektuhan nito ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Tsika at Intriga

'Di ba puwedeng bawasan, parang ang bigat dalhin?' Xyriel, rumesbak sa body shamer

Sinabi ni Drilon na ipupursige niya ang mga pagbabago sa AMLA sa susunod na 17th Congress sa ilalim ng liderato ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III. (Hannah Torregoza)