Sapat na ang American import na si Marcus Blakely para makasabay ang Star Hotshots sa pagbubukas ng season-ending PBA Governors Cup.

Ayon kay Star Hotshots coach Jason Webb, akmang-akma ang talento at istilo ni Blakely para mapalutang ang husay ng local player.

Kumpiyansa ang Hotshots mentor na magagawang maiangat ng koponan ang kanilang performance sa tulong ng resident import na si Blakely at ng nagbabalik na local top gun na si James Yap mula sa injury.

Halos isang buwan at kalahati ring namahinga ang 34- anyos na dating league MVP makaraang magtamo ng strained right calf injury sa nakaraang quarterfinals ng Commissioner’s Cup.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Kinailangan niyang sumailalim sa theraphy at masusing strength at conditioning regimen upang maibalik ang kanyang dating playing form.

Bukod kay Yap, inaasahan din ni Webb na mangunguna sa kanilang kampanya ang isa pa nilang beteranong player na si Peter June Simon.

“Magagaling ang mga Asian imports, pero mas bilib ako sa ating local talents, kaya nilang makipagsabayan sa ibang Asian talents,” ayon kay Webb. (Marivic Awitan)