TARLAC CITY - Minsan pang napatunayan na “walang forever” para sa ilang mag-asawa, na kapag naaagrabyado ang isa ay nauuwi sa hiwalayan at demandahan.

Ganito ang nangyari matapos na ireklamo sa pulisya si Ramil Legaspi, 38, tricycle driver, ng Sitio Bupar, Barangay Ligtasan, Tarlac City.

Sa ulat kay Tarlac Chief of Police Supt. Bayani Razalan, simula nang paalisin sa bahay ng kanyang misis na si Wina, 34, ay nagpabaya na at hindi rin nagbibigay ng suportang pinansiyal si Legaspi sa ginang at sa anim nilang anak.

Ikinasal noong Mayo 29, 2003, sinabi ni Wina na nakitira sila sa bahay sa tabi ng kanyang ina at simula noon ay iniasa na lang umano ni Legaspi sa biyenan ang lahat ng panggastos ng kanilang pamilya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa kabila ng kanyang pagtitiis, sinabi ni Wina na nagawa pa ni Legaspi na mahumaling sa iba’t ibang bisyo kaya nagawa niyang palayasin ito sa kanilang bahay. (Leandro Alborote)