SINUKUAN na ng mga director ang young actor na produkto ng reality show, kaya wala siyang project ngayon lalo na’t sumisikat na ang grupo ng mga kabataang aktor na marunong sumayaw at kumanta kaya sold-out parati ang mga show nila sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at mga probinsiya.

Kasi naman itong young actor na binabanggit namin ay puro face value lang ang alam ipanglaban. Pinag-workshop na nga pero hindi naman nag-improve, pinag-voice lesson din pero waley pa rin. Kaya napapakamot na lang ng ulo ang mga nakatrabaho niyang direktor.

“Kapag may bagong teleserye, inilalako naman siya ng taong humahawak ng karera niya, ‘kaso hindi siya pumapasa sa direktor at sa production na may hawak ng project. Katwiran nila, ayaw nilang magsayang ng oras kasi nga hand to mouth ang uso ngayon, hindi puwede ang matagalang taping, eh, kung isasama siya, baka abutin ng isang araw bago niya makuha ang tamang pag-arte at pag-deliver ng dialogues.

“’Buti pa nga si _____ (isa ring aktor), natuto na kahit konti, ‘kita mo naman dami na niyang projects. 

Palit kay Karla? Korina, matunog na magiging bagong host ng 'Face 2 Face'

“Itong si _____ (young actor na face value lang ang asset) waley, mag-aral na lang siya tutal hindi naman niya kailangang mag-showbiz, mayaman sila,” kuwento sa amin ng kakilala naming nakatrabaho ng young actor.

Kaya pala walang bagong programa si Young Actor. Kahit TV guestings man lang, wala rin at higit sa lahat, tsinugi na rin siya sa produktong iniendorso niya dahil hindi naman daw bumenta dahil hindi siya kilala sa mga probinsya at higit sa lahat, kakaunti ang fans niya.

At ang dati niyang ka-love team ay iba na ang kapareha ngayon. (REGGEE BONOAN)