Ang mga plastic pa rin ang nangungunang basura na naiipon sa dagat, umaabot ng 275 milyong tonelada sa 192 bansa ang pinaniniwalaang aktuwal na dami ng mga ito.

Sa talaan ng Journal Science, aabot 4.8 milyon hanggang 12.7 milyong metriko tonelada ang mga basura sa dagat. Pumapangatlo ang Pilipinas sa buong mundo sa may pinakamaraming plastic na basura sa karagatan kabuntot ng China at Indonesia.

“Rapid population growth along with unsustainable marine practices such as overfishing, waste dumping, oil spills, among others, have seriously damaged marine habitats and life in the sea over the years,” sabi ni Senator Loren Legarda kaugnay sa paggunita ng World Ocean Day ngayon.

Ayon kay Legarda, doble ang hatid na pinsala ng plastic waste sa yamang dagat dahil nakakain ito ng mga isda at nakakasira sa mga coral reef.

Palit kay Karla? Korina, matunog na magiging bagong host ng 'Face 2 Face'

Sinabi ng senador na kailangang maging epektibo ang pagpapatupad sa Ecological Solid Waste Management (ESWM) Law para masagip ang yamang dagat. (Leonel Abasola)