Pabor ang Public Attorney’s Office (PAO) sa ipinatutupad na “Oplan RODY” o Rid the Streets of Drinkers and Youth, sa ilang lugar sa Metro Manila.

Napag-alaman kay PAO Chief Atty. Persida Acosta na hanggang hindi nalalabag ang karapatang pantao ng mga mahuhuli sa ilalim ng Oplan RODY ay malaking tulong ito para mailayo ang taumbayan, lalo na ang kabataan, sa krimen.

Aniya, ang paghuli sa kanila ay magsisilbing proteksiyon na rin para hindi sila mabiktima ng mga kriminal.

“Basta walang ginagawang corporal o physical punishment, o paglabag sa karapatan, [dahil] bawal ‘yan,” ayon pa sa PAO chief.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Sinabi ni Acosta na ang paglabag sa karapatan ng kabataan ay nakapaloob sa Republic Act 9344 o Comprehensive Juvenile Justice and Welfare System. (Jun Fabon)