053016_Duter Tea_03_KeithBacongco copy

Ano’ng meron sa isang pangalan?

Para sa mga residente ng Davao City, mahalaga ang isang pangalan, lalo na kung ito ay sa unang taga-Mindanao na nahalal na pangulo ng bansa, si Rodrigo Roa Duterte.

Pinagkakaguluhan ngayon ang pangalang “Duterte” at kung saan-saang lugar, anu-anong bagay ito pilit na iniuugnay upang bigyang importansiya ang pagkakaluklok ng alkalde ng Davao City bilang ika-16 na pangulo ng bansa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Tampok ngayon na inumin sa Davao City ang tinaguriang “DuterTea,” isangmilk tea na may lasang Durian na likha ng Tealoca Milk and Teas sa Gaisano Mall. Iniuugnay ang masarap na inumin sa popularidad ni Duterte at ng paboritong prutas sa rehiyon, ang Durian.

“The DuterTea is like Duterte, and is like durian. It’s either you love it or hate it,” pahayag ng isang customer.

Dinudumog din ngayon ang Duthirsty Café Bar sa Quirino Avenue sa Davao City.

Ang patok na kapihan ay pag-aari ng isang masugid na tagasuporta ni Duterte at ginamit pa ang kanyang establisimiyento bilang punong himpilan ng Youth for Duterte Movement-Mindanao Wide (YDMM) at sa Run Duterte Run Pula’t Asul na Laso Para sa Pagbabago noong kainitan ng panahon ng kampanya.

Maraming kostumer ang nabighani din sa isang malaking mural sa pader ng café bar na punumpuno ng lagda ng mga volunteer ng YDMM at Run Duterte Run.

Samantala, iniba na rin ang pangalan ng Matina Town Square bilang Duterte Town Square. Ang naturang establisimiyento, na pag-aari ng Ayala Group of Companies, ay paboritong pasyalan hindi lamang ng mga residente kundi maging ng mga turista sa Davao City. (Jonathan A. Santes)