Pag-aari pa rin ng Pilipinas ang Scarborough Shoal at walang isinasagawang reclamation sa lugar ang China, deklara ni Pangulong Aquino noong Huwebes.

Iginiit ng Pangulo ang pagmamay-ari ng bansa sa Scarborough Shoal, tinawag sa lokal na Panatag Shoal, kasabay ng pagsantabi niya sa mga alegasyon na nakagawa siya ng treason nang mapunta sa China ang teritoryo.

“It’s a 120 nautical miles from Masinloc, Zambales. Therefore, clearly within the 200-mile exclusive economic zone,” sabi ng Pangulo sa mga mamamahayag sa kanyang pagbisita sa Tarlac nang tanungin kung sa atin pa rin ang Scarborough School.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“Wala namang ginagawang reclamation works ang China on Scarborough Shoal. Is it the red line? I think there are so many red lines,” dagdag ni Aquino, nang tanungin kung ang pinagtatalunang bahura ang “red line” na hindi dapat panghimasukan ng China o mahaharap sa hamon ng magkasanib na puwersa ng Pilipinas at United States.

(Genalyn Kabiling)