Dalawang miyembro ng Special Civilian Armed Forces Geographical Unit Active Auxilliary (SCAA) ang namatay habang dalawa ang nasugatan makaraang salakayin ng New People's Army (NPA) ang detachment ng mga ito sa Barangay General Luna, Sagay City, Negros Occidental, sinabi ng pulisya kahapon.

Sa report ng Sagay City Police Office (SCPO),ang pagsalakay ay isinagawa sa Sitio Aliwanay, Hacienda Erlinda sa Barangay General Luna, Sagay City.

Kinilala ang mga namatay na sina SCAA Jose Pios at SCAA Dionisio Ibañez na nagtamo ng maraming tama ng bala sa pagsalakay ng nasa 40 rebelde.

Hindi pa kinilala ng militar ang dalawang sugatan na SCAA na nagpapagaling na sa ospital.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi sa ulat na dalawang sundalo ang dinukot at nabawi ng mga kasamahan ng biktima na kinilalang si Sgt. Alexander Garcia makaraang tumakas ang mga rebelde patungo sa Sitio Byernesan, Bgy. General Luna.

Naging mabilis ang pagkilos ng militar at SCAA at nabawi ang dalawang bihag makaraan ang sagupaan sa Bgy. Paitan, Escalante City.

Natangay ng mga rebelde ang mga armas na kinabibilangan ng tatlong M-16, isang M-14, apat na carbine at isang M-79.

Patuloy ang pagtugis ng militar sa mga rebeldeng sangkot sa pag-atake. - Fer Taboy