Napasama ang Pilipinas sa Pool D sa gaganaping 2016 FIBA 3x3 U18 World Championships, sa Hunyo 1-5 sa Kazakhstan.

Magkakasama sa Pool A ang defending champion at No.1 rank Netherlands, Uruguay (No. 8), Slovenia (No.9), Belgium (No.16), at Egypt (No.17).

Magkakagrupo naman sa Pool B ang Turkey (No.2), China (No.7), Andorra (No.10), Argentina (No.15), at Georgia (No.18).

Binubuo naman ang Pool C ng Romania (No.3), Indonesia (No.6), Italy (No.11), Qatar (No.14) at Kazakhstan (No.19).

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Makakasama ng Pinoy sa Pool D ang Hungary (No.4), Brazil (No.5), New Zealand (No.12), at Spain (No.20).

Huling sumabak sa torneo noong 2015 ang grupo nina Richard Escoto, Michael Nieto, Ricci Paolo Rivero, at Kobe Lorenzo Paras.

Matatandaan na muling nagawa ni Paras, nakatakdang maglaro UCLA sa NCAA Division 1, ang pagiging slamdunk king sa World U18 Championships noong 2015 matapos na magwagi sa Asian U18 noong 2013. (Angie Oredo)