Nagpahayag ngayon ang liderato ng Laban ng Demokratikong Pilipino (LDP), isa sa pinakamatatandang political party sa bansa, ng pagsuporta kay Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. bilang vice presidential bet ng partido.
“Matapos ang malawakang konsultasyon sa lahat ng miyembro ng LDP, ang liderato ng LDP ay nagpasya na iendorso ang kandidatura ni Senator Bongbong Marcos bilang bise presidente upang masimulan na ang paghilom ng bansa,” ani Demaree Raval, secretary general ng LDP.
“Masyado nang malalim ang pagkawatak-watak ng ating bansa dahil sa pulitika kahit na tayo ay demokrasya. Oras na upang umabante tayo at harapin ang magandang bukas,” ani Raval.
Ang LDP ay pinangungunahan ni dating Senate President Edgardo J. Angara, bilang chairman.
Nabuo noong 1988, naging mahalagang bahagi ang LDP upang umpisahan ng mga kilalang lingkod bayan sa Kongreso at lokal na pamahalaan ang kanilang political career. (Beth Camia)