Rafael Nadal

MADRID (AP) — Sa ikalawang pagkakataon, si tennis superstar Rafael Nadal ang flag-bearer ng Spain sa Olympics sa Agosto.

Sa London, napili rin si Nadal na siyang magdala ng watawat ng Spain sa London Olympics, ngunit umatras siya dulot ng injury. Pinalitan siya ni basketball superstar Paul Gasol.

Kamakailan, ipinahayag ng Spanish Olympic Committee ang pagkakapili muli kay Nadal para maging flag-bearer ng Spain sa Rio Olympics. Pormal na pinakilala si Nadal sa ginanap na pagbubukas ng programa para sa 100-day countdown ng Rio Games. Gaganapin ang opening ceremony sa Agosto 5, sa Maracana Stadium.

'Rest well my friend!' EJ Obiena, may tribute para kay Mervin Guarte

“This is a great honor,” pahayag ni Nadal sa kanyang Twitter account. “I’m very excited. I hope the games will be great and that the entire Spanish team can do well.”

Nagwagi si Nadal, tangan ang 14 na Grand Slm title, ng Olympic gold medal noong 2008 Beijing Games. Naglaro rin siya, ngunit nabigo noong 2004 Athens Olympics.

“Spanish sport was in debt to Nadal,” pahayag ni Spanish Olympic Committee president Alejandro Blanco. “He gave us a lot more than results.”

Pangungunahan ni Nadal ang Spanish delegation na may kabuuang 300 atleta sa Rio Games.