Inaabisuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na nagbukas ang gobyerno ng Ecuador ng international fund na Terremoto Ecuador o Earthquake Ecuador para sa mga pribadong indibiduwal, kumpanya, non-governmental organization, at humanitarian organization na interesadong magbigay ng tulong pinansiyal sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Ecuador nitong Abril 16.

Umabot na sa mahigit 650 katao ang nasawi sa Ecuador at maraming komunidad ang nananatiling walang pagkain, transportasyon, at supply ng tubig at kuryente.

Tinaya rin sa $2 billion-$3 billion ang pinsalang dulot ng lindol sa imprastruktura at kabuhayan.

Ipinababatid ng Ecuadorian Permanent Mission in Geneva sa mundo na higit na kailangan ng gobyernong Ecuadorian ang tulong pinansiyal at buong puso itong tatanggapin sa Terromoto Ecuador:

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Name of Bank: Citibank, N.A.

Swift Code: CITIUS33

ABA: 021000089

Account Number NY: 36360112

Name of Account: Terremoto Ecuador/Earthquake Ecuador

Zip Code: 10043

Tel No.: 001-813-604-7062

Address ng Citibank, N.A.: 111 Wall Street, New York, NY 10043

Patuloy naman ang monitoring ng Embahada ng Pilipinas sa Santiago tungkol sa kalagayan ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa mga apektadong lugar.

Habang isinusulat ang balitang ito, walang napaulat na Pilipino na nasaktan o nasawi sa lindol. (Bella Gamotea)