UMASA ang iba’t ibang sektor sa ating bansa na may pasabog ang mga kandidato sa pagkapangulo na siyang hahalili sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino. Pero walang bago. ‘Yon at ‘yon din ang mga pangakong binitawan ng mga nagdaang kandidato sa nakalipas na panahon na naging dahilan kung bakit mas naghirap ang mga Pilipino, mas nagutom, hindi makapag-aral, naabuso at desperado.

Kahit isa sa mga kandidato ay walang nagbanggit sa constitutional convention na makapagbabago sa estado ng ating bansa pagdating sa kahirapan.

Maging sa pederalismo, na naging pangunahing dahilan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para tumakbo bilang pangulo, ay hindi natalakay. Ang isyu tungkol sa dinastiya ay hindi rin sineryosong pag-usapan.

BALEWALA ANG MGA KARANGALANG NATAMO

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ano mang karangalang natamo ng Pilipinas, katulad na lamang sa kahusayan sa boxing at beauty contest, ay nabalewala dahil sa nangyaring pagpugot ng Abu Sayyaf sa isang Canadian dahil nabigo umanong magbayad ng ransom ang pamilya nito.

Si John Ridsdel, 68, retirado, ay pinugutan sa isang basketball court sa Patikul, Sulu. Naiulat na dose-dosena pang banyaga ang hawak ng mga nasabing bandido.

HINDI DAPAT BAWIIN ANG ARBITRATION CASE

Nagbabala si Senior Associate Justice Antonio T. Carpio sa susunod na administrasyon na huwag babawiin ang arbitration case laban sa China.

MAR ROXAS, TINALIKURAN NG BICOL GOVS.

Inanunsiyo ni Albay Gov. Joey Salceda, na unang nagpahayag para maging general campaign manager ng Liberal Party, ang mag dahilan kung bakit tinalikuran ng bicol governors si Mar Roxas, ang LP standard bearer, ay dahil sa mga ipinangako nitong proyekto na hindi naman natupad. (Johnny Dayang)