Laro ngayon

(Smart -Araneta Coliseum)

7 n.g. -- Meralco vs. Alaska

Unahang makalapit sa inaasam na finals berth ang tatangkaing ng magkatunggaling Meralco at Alaska sa muli nilang pagtutuos sa Game Three ng kanilang best-of-five semifinals series para sa 2016 PBA Commissioner’s Cup ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nauna nang sinabi ni Alaska coach Alex Compton na napakahirap kalaban ng koponan ngayon ng Meralco at hindi siya nagkamali dahil buhat sa 14 na puntos na pagkakaiwan sa fourth quarter sa Game Two, bumalikwas ang Bolts at itinabla ang serye sa pamamagitan ng 92-87 panalo.

“We have a high respect for Meralco. I don’t know if the fans here or the causal followers are aware of how good they are playing this conference,” phayag ni Compton.

Naiiwan sa iskor na 66-73, may nalalabi pang siyam na minuto sa laro, nagtala ang Bolts ng 17-2 salvo na tinapos ng back-to-back triple ng game hero na si Jared Dillinger para maagaw ang kalamangan, 88-84 na hindi na nila binitawan pa hanggang matapos ang laro.

Katulad ng hiling ng kanyang mga kakampi, nag-step-up din at naging mas agresibo ang kanilang import na si Arinze Onuaku na nagtapos na may 22 puntos kabilang ang mahalagang putback na sumelyo sa kanilang panalo.

Sinamantala ni Dillinger, beterano na ng ganitong mga playoffs nang naglalaro pa siya sa Talk ‘N Text, ang double hanggang triple-teaming na depensang ginagawa ng Aces kay Onuaku.

Ipinoste niya ang 13 sa kanyang series-high na 20-puntos sa fourth canto para tulungan ang Meralco na maitala ang unang panalo sa semi-finals.

Naitala din niya ang season-high limang three-pointer.

Naniniwala din si Dillinger na malaki ang magiging tulong para sa kanyang mga kakampi na ngayon pa lamang nakaranas na lumaro sa ganitong playoff ang mga nangyayari dahil dito aniya sila matututo.

“It helped our team grow a little bit,” ani Dillinger. “We have a lot of guys who haven’t been here yet, who haven’t experienced what playoff basketball is like out here, so coming back from a deficit and getting a win is great and it helps our younger guys get playoff experience.” (Marivic Awitan)