Kailangang makapagpasa ng panukala na magkakaloob ng mekanismo upang pahintulutan ang individual taxpayers na maglaan ng limang porsiyento ng kanilang taunang kita para sa kanilang paboritong civil society organizations (CSO).

Kaugnay nito, inihain ni Rep. Teddy Brawner Baguilat, Jr. (Lone District, Ifugao) ang House Bill 5246 na naglalayong magtayo ng People’s Fund, isang pamaraan para sa taxpayers na magpasiya kung aling CSO ang nangangailangan ng suporta.

Ayon sa kanya, ang People’s Fund ay katulad ng matatagumpay na practice sa ilang bansa sa Europe, kabilang ang Hungary, Poland at Romania. (Bert de Guzman)
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador