CEBU CITY – Tatalakayin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-Region 7 ang karagdagang P161 sa arawang sahod na hiniling ng Associated Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP).

Ayon kay Department of Labor and Employment (DoLE)-7 Director Exequiel Sarcauga, na chairman din ng RTWPB 7, kabilang ang nasabing petisyon sa mga usaping tatalakayin ng mga miyembro ng wage board sa susunod na linggo.

Umaasa ang ALU-TUCP na maitataas na ang arawang minimum na suweldo sa Central Visayas sa P514 mula sa kasalukuyang P353.

Batay sa pag-aaral ng labor group, ilang manggagawa pa rin sa Cebu ang sumasahod ng P242 kada araw.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Samantala, sinabi ni Sarcauga na magdaraos ng apat na job fair sa Cebu para sa selebrasyon ng Labor Day sa Mayo 1.

(Mars W. Mosqueda, Jr.)