SINAMPAHAN ng kaso ang rapper na si Kendrick Lamar dahil sa pangongopya umano nang walang permiso sa awiting Don’t You Want to Stay ni Bill Withers noong 1975 para sa kanyang awiting I Do This.

Ayon sa reklamong isinampa sa Los Angeles federal court, nagdagdag lang ng sariling lyrics si Lamar sa “direct and complete copy” ng awitin ni Withers para mabuo ang I Do This.

Binalewala ni Lamar, na nanguna ang “untitled unmastered” sa Billboard 200 album chart nitong Marso, ang pakiusap na itigil ang panggagamit sa mga awitin ni Withers, at aminin ang pangongopya rito “with a thumb to the nose, catch me if you can attitude,” ayon sa reklamo.

Ang kaso ay inihain ng Golden Withers Music at Musidex Music.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Isinulat at kinanta ni Withers ang awitin, na nakapaloob sa kanyang album na Making Music. Ang awitin namang I Do This ni Lamar ay nakapaloob sa extended-play album niya noong 2009.

Hindi agad nagbigay ng pahayag ang abogado ni Lamar nang hingan ng komento tungkol sa kaso.

Samantala, ang album ni Lamar na To Pimp a Butterfly ay nanalo ng limang Grammy awards noong Pebrero.

Ang kaso ay Mattie Music Group et al v. Lamar et al, U.S. District Court, Central District of California, No. 16-02561. (Reuters)