APTOPIX Pacquiao Bradley BoxingLAS VEGAS (AP) – Kung ang kilos at pananalita ang pagbabatayan, tunay na huling laban na si Timothy Bradley, Jr. ni future boxing hall-of-fame Manny Pacquiao.

“As of now I am retired,” pahayag ni Pacquiao sa post-match interviewed matapos gapiin si Bradley via 12-round unanimous decision nitong Sabado ng gabi (Linggo sa Manila).

“I am going to go home and think about it but I want to be with my family. I want to serve the people,” aniya.

Makailang ulit nang naipahayag ni Pacquiao ang pagnanais na matulungan pa nang husto ang mga kababayan, higit yaong mga mahihirap na Pilipino. At nakikita niya ito kung mailuluklok siya sa Senado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nakatakda ang eleksiyon sa Pilipinas sa Mayo 9.

“I think it’s time to focus on my duties and responsibilities when I will be elected Senador,” pahayag ng eight-division world champion.

Kung sakali, ito na nga ang huling laban ni Pacquiao, magreretiro siya sa boxing na isa sa pinakamatagumpay na fighther, higit sa aspeto ng pay-per-view. Naibenta sa PPV ang 22 laban ni Pacquiao na may kabuuang 18 million buys at kumita ng US$1.2 billion.

Taliwas man sa suweldong matatanggap bilang isang Senador, tila kakaiba ang karisma ng Senado kay Pacquiao kung saan liyamado ang two-time Sarangani Congressman na makuha ang isa sa 12-Senate seat.

Sakaling mailuklok sa Senado, imposible na para kay Pacquiao na maging isang aktibong fighter dahil sa mahabang oras na kailangan niyang gugulin bilang isang Senador.

Higit dito, buo na rin ang pasya ng kanyang pamilya, sa pangunguna ng kanyang maybahay na isa ring politician, na panahon pa para sa kanyang pagreretiro.

“Thank you boxing fans,” huling nabanggit ni Pacquiao.