NILAPITAN ng mayamang negosyante, na may nakabimbing multi-million kontrata sa isang ahensiya ng gobyerno, ang sekretarya ng departamento at sinabing: “Sir, bibigyan ko kayo ng birthday gift—bagong Mercedes Benz.”

Sumagot ang sekretarya at sinabing, “Pasensya na pero hindi ako tumatanggap ng suhol.” At sinabi naman ng negosyante, “Sir, hindi ito suhol. Ibinibenta ko ito sa‘yo ng P100,000.”

Pansamantalang huminto ang sekretarya at sinabing: “Sa kasong iyan, tatlo ang kukunin ko!”

Bakit likas sa mga Pilipino ang pagiging mabuti at labis ang katapatan sa mga nagdaang selebrasyon ng Kuwaresma at Muling Pagkabuhay ngunit nananatili pa rin ang krimen at kurapsiyon?

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Isa sa mga posibleng paliwanag ay dahil bigo silang makita at isagawa ang mahalagang koneksiyon sa pagitan ng debosyon at pang-araw-araw na gawain.

Ito ay totoo sa mga government official na nagpaubaya sa matinding temptasyon kapag sila ay nilalapitan ng malalaking suhol, kickback at “irresistible” na bagay. Ngunit, nabalewala ang itinurong katapatan at pagmamahal ni Jesus sa nakadidismayang kaso ng $81 million money laundering.

Gaya na lamang ng sinabi sa akin ng isang SVD priest na: “We have a strong faith but weak in morals.”

Mabuti na lamang, may mangilan-ngilan pa ring opisyal ng gobyerno na nangingibabaw ang konsensiya at naniniwala sa makapangyarihang karma.

Nakatutuwang makita ang mga kabutihan at sakripisyong ginawa ng mga tao sa nagdaang Kuwaresma. Ang hamon ng tunay na pananalig sa mga Kristiyano ay pag-ugnayin ang debosyon sa araw-araw na pamumuhay. (Fr. Bel San Luis, SVD)