Sa kabila ng aksidente na ikinamatay ng isang Pinoy parachutist sa Zambales noong Huwebes, tuloy ang airborne exercises sa “Balikatan” maneuvers alinsunod sa plano.

Ito ang inihayag ni Philippine “Balikatan” public affairs office chief Capt. Celeste Frank Sayson nitong Biyernes.

“There are other airborne exercises between US Marines and Philippines Marines, US Special Forces, Philippine Special Forces and Australian Special Forces that will be happening for the next few days and we are hoping that this kind of incident will not happen again,” aniya.

Iginiit ni Sayson na ipinatupad ang lahat ng safety mechanism sa static jump noong Huwebes sa Subic Bay International Airport sa Zambales. “The incident happened because of nature’s activity, the packet of wind that brought him to sea,” dagdag niya.

Tsika at Intriga

Mavy Legaspi, Ashley Ortega namataang magkasama sa Cebu

Kinilala niya ang nasawi na si A2C Jover Dumansi ng 710th Special Operation Wing ng Philippine Air Force. (PNA)