Natagpuan ng awtoridad ang bangkay ng isang babaeng pinaniniwalaang salvage victim na isinilid sa isang drum at iniwang palutang-lutang sa Pasig River, sa Escolta, Manila, kahapon.

Sinabi ng awtoridad na walang saplot sa katawan ang hindi pa kilalang biktima at nakatali ang mga kamay nito sa likuran, binalutan ng packing tape ang bibig, at may nakapulupot na tali sa leeg.

Namataan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang drum habang nag-aahon ng mga water lily mula sa Pasig River bago magtanghali kahapon.

Bagamat hindi isinemento ang biktima, may malalaking bato na ipinasok sa drum upang magsilbing pabigat nito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tumulong din ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa pag-ahon sa biktima mula sa ilog. (Jenny F. Manongdo)