Pinag-iisipan ng Commission on Elections (Comelec) na dagdagan ang mga miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) na magsisilbi sa halalan sa Mayo 9.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, posibleng magdagdag sila ng isa pang miyembro ng BEI o mula sa tatlo ay gagawin na itong apat.

Paliwanag ni Jimenez, napakarami nang trabaho ng tatlong miyembro ng BEI sa halalan at nadagdagan pa ito dahil sa pag-iisyu ng voters’ receipt ng mga vote counting machines (VCM).

Sakaling matuloy ang plano, ang ikaapat na miyembro ng BEI ang magbabantay sa ballot box, maggugupit ng voters’ receipt at maglalagay ng indelible ink sa daliri ng mga botante.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Hindi sinabi ni Jimenez kung magkano ang halagang gugugulin para sa pagkuha ng mga dagdag na miyembro ng BEI.

(Mary Ann Santiago)