Obligadong magbayad ng buwis ang Philippine Heart Center (PHC) matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ng ospital na exemption sa pagbayad ng real property tax.

Sa 14-pahinang desisyon ng 13th Division, nakasaad na ibinabasura ng CA ang hiling ng PHC, sa paggigiit sa hawak nilang exemption na iginawad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Nilinaw ng korte na dapat naghain ang PHC ng exemption sa Quezon City Local Board Assessment Appeals (LBAA), Central Board of Assessment Appeals (CBBA) at panghuli sa Court of Tax Appeals (CTA).

Ayon sa rekord, aabot sa P36.5 million na buwis ang hindi nababayaran ng PHC simula 2004. (Beth Camia)

Tsika at Intriga

Ai Ai, binatikos dahil sa pakikisawsaw sa isyu ng mag-inang Carlos, Angelica