Malaking kahihiyan sa mga Pinoy kung hindi agad maibabalik ang kahit bahagi ng US$81 milyon na ninakaw sa Bank of Bangladesh sa pamamagitan ng hacking at nailipat sa lokal na sangay ng bangko sa Pilipinas.

“To be frank, nakakahiya that we talk about everything but we’re not talking enough about how to get the 81-million US dollars back,” ayon kay Sen. Benigno “Bam” Aquino IV.

Ikinalungkot ni Aquino na nakatuon na lamang ang imbestigasyon sa mga sangkot sa money laundering at nalimutan na ang posibilidad na maibalik ang pera sa Bangladesh bank.

Tanging sina Aquino at Senator Aquilino “Koko” Pimentel III lamang ang nagbanggit sa posibilidad na maibalik ang pera batay na rin sa testimonya ni Kim Wong na mayroon pang $17 milyon na natitira mula sa kabuuang $81 milyon na tinangay sa Bank of Bangladesh.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kasabay nito naniniwala naman si Liberal Party (LP) senatorial bet Leila de Lima na isang pagsubok sa kakayahan ng administrasyon na labanan ang transnational crime ang isyu sa ninakaw na $81 milyon mula sa Bangladesh.

“This should serve as a template on how we should go about fighting transnational crimes of this kind in the future so we do not end up in confusion the next time it happens, or that we are able to immediately cut off the beginning of these sorts of operations in our shores,” ayon kay De Lima. (LEONEL ABASOLA)