JONES, Isabela – Isang lalaki ang binaril at napatay ng kanyang kainuman matapos silang magtalo sa Purok 1 sa Barangay Minuri, Jones, Isabela.

Kinilala ni Chief Insp. Noel Pattalitan, hepe ng Jones Police, ang biktimang si Bernardo Dela Cruz, 39, may asawa, magsasaka, habang arestado naman si Regie Madarang, 24, obrero, kapwa ng Bgy. Minuri, Jones.

Ayon kay Pattalitan, dakong 11:45 ng gabi nitong Lunes nang magtalo ang biktima at suspek tungkol sa napipisil nilang kandidato sa pagkapresidente habang nag-iinuman sa Bgy. Minuri.

Nag-walkout ang suspek, ngunit pagbalik ay pinagbabaril nito ang biktima sa ulo at sa kaliwang dibdib.

Probinsya

Bilang ng mga nawawala sa MV Trisha Kerstin 3, hindi pa rin matukoy; mga nasawi, sumampa na sa 42!

(Liezle Basa Iñigo)