NICOSIA, Cyprus (AP/AFP/CNN) — Isang eroplano ng EgyptAir ang na-hijack nitong Martes habang lumilipad mula sa Egyptian Mediterranean coastal city ng Alexandria patungo sa Cairo, ang kabisera ng Egypt, at kalaunan at lumapag sa Cyprus kung saan pinayagang bumaba ang lahat ng pasahero maliban sa apat na banyaga, ayon sa Egyptian at Cypriot officials.

Ang hijacker ay unang kinilalang si Ibrahim Samaha, ngunit kalaunan ay sinabing si Seif El Din Mustafa, isang Egyptian, na nagpahayag na mayroon siyang suicide belt at pinagbantaaan ang piloto na pasasabugin ito, ayon sa Egyptian Aviation Ministry.

Sakay ng Airbus flight number MS181 ang 55 pasahero at lumilipad sa regular route nang maganap ang hijacking, sinabi ng mga Egyptian official. Karaniwang inaabot ng 30 minuto ang biyahe .

Umalis ang eroplano mula sa Bourg el-Arab airport sa labas ng Mediterranen port city ng Alexandria.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Ilang sandali matapos ang hijacking, lumapag ang eroplano sa paliparan sa southern Cypriot city ng Larnaca, na Mediterranean rin. Sinabi ng Cypriot officials duda silang may sakay na bomba ang eroplano.

Pinayagan ng hijacker ang mga babae at bata na bumababa at kalaunan ay ang lahat ng pasahero maliban sa crew at apat na banyaga. Hindi nito tinukoy ang nationality ng mga banyaga.

Iniulat ng Cyprus broadcasting (CYBC) na maaaring personal ang motibo ng hijacker. Ang ex-wife nito ay taga- Cyprus.

Luminaw kalaunan na ito nga ang motibo ni Mustafa, matapos hilingin sa mga opisyal na makita ang dating asawa na naninirahan sa Oroklini village malapit sa paliparan.

Kinumpirma ni Cyprus President Nicos Anastasiades na ang “hijacking is not terrorism-related” sa joint news conference kasama ang nagbibisitang president ng European Parliament na si Martin Schultz.