Binibigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga botante ng pagkakataon na mas makilala pa ang mga kandidato na tumatakbo sa mga pambansang puwesto kabilang sa paglalahad ng mga basic information at paninindigan ng mga ito sa ilang usapin na kinasasangkutan ng mga Pilipino at ng bansa.

Sa ipinaskil na profile ng mga kandidato sa website ng poll body: ang www.comelec.gov.ph/candidatesprofile, masisilip din ng publiko ang pananaw ng mga ito sa ilang isyu.

Bago nito, hiniling ng poll body sa mga kandidato, na tumatakbo sa presidential, vice-presidential at senatorial positions sa halalan sa Mayo 9, na punan ang form at sagutin ang ilang katanungan.

Ang mga katanungan ay karaniwang tungkol sa mga problemang kinakaharap ng mga overseas Filipino workers (OFW) partikular na ang illegal recruitment, pang-aabuso ng employer at iba pa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Lahat ng limang umaasinta sa panguluhan: Jejomar Binay, Miriam Defensor Santiago, Rodrigo Duterte, Grace Poe at Mar Roxas ay nagsumite ng candidate’s profile form.

Samantala, lima sa anim na aspirante para sa puwesto ng vice-president ang nakapagkumpleto ng kani-kanilang form:

Chiz Escudero, Gringo Honasan, Bongbong Marcos, Leni Robredo at Antonio Trillanes IV.

Ayon sa Comelec, hindi nagsumite ng kanyang form si Alan Peter Cayetano.

Samantala, 40 senatorial candidate lamang ang nakapagsumite ng kanilang profile form.

Sila ay sina: Albani, Shariff (IND), Ali, Aldin (WPPPMM), Alunan, Raffy (IND), Ambolodto, Ina (LP), Arquiza, Godofredo (IND), Belgica, Greco (IND), Bello, Walden (IND), Cam, Sandra (PMP), Chavez, Mel (WPPPMM), De Lima, Leila (LP), Drilon, Frank (LP), Gatchalian, Win (NPC), Guingona, TG (LP), Hontiveros, Risa (AKBYN), Kiram, Princess Jacel (UNA), Lacsamana, Alma Moreno (UNA), Lacson, Panfilo Ping (IND), Langit, Rey (UNA), Lapid, Mark (AKSYON), Liban, Dante (IND), Maganto, Romeo (LAKAS), Manzano, Edu (IND), Montaño, Allan (UNA), Montaño, Mon (IND), Napeñas, Getulio (UNA).

Tumalima din sa kahilingan ng sa Comelec sina: Ople, Susan (NP), Osmeña, Sergio III (IND), Pacquiao, Manny (UNA), Paez, Mr. Coop (IND), Pagdilao, Samuel (IND), Palparan, Jovito Jr. (IND), Pangilinan, Kiko (LP), Petilla, Carlos Jericho (LP), Romulo, Roman (IND), Santiago, Dionisio (IND), Sotto, Vicente (NPC), Tolentino, Francis (IND), Valeroso, Diosdado (IND), Villanueva, Joel Tesdaman (LP), Zubiri, Migz (IND).

Inilathala ang mga profile nitong Marso 23. (PNA)