LOS ANGELES (AP) — Puwede nang maglaro si Blake Griffin sa Los Angeles Clippers mula sa natamong injury at magsisimula na niyang pagdusahan ang apat na larong suspensiyon, ayon sa opisyal na pahayag ng Clippers management.

Ang suspensiyon ay bunga ng kanyang panununtok sa assistant equipment manager na siyang naging dahilan ng pagkabasag ng kanyang kamay.

Nabakante si Griffin mula noong Disyembre at nagsimula na siyang makiensayo sa koponan nitong Sabado (Linggo sa Manila).

Ayon sa team doctor, maayos na ang kanyang kalagayan at puwede na siyang magbalik laro.

Kahayupan (Pets)

Pet-friendly resto, nagsalita na sa isyu ng diskriminasyon sa aspin ng isang customer

“He looked great, but he had no endurance, as far as his wind,” pahayag ni Clippers coach Doc Rivers. “As far as just playing basketball, he was terrific. It’s amazing, though, watching what three months does as far as memory goes. As far as sets and timing, that wasn’t pretty.”

“Honestly, I don’t know if you can get him in condition to play 30-35 minutes right away,” aniya.

“My guess is right now we’re going to start him. The question more importantly is how many minutes in a row can he play. If you went by yesterday, it would be three.”

Bunsod ng injury, hindi nakalaro si Griffin sa kabuuang 41 laro.