BATANGAS – Patay ang tatlong bata matapos malunod sa magkakaibang lugar sa Batangas noong Sabado.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), nalunod sa Lawa ng Kulit, sakop ng Cuenca, si Aldan Macario, 12 anyos.

Dead on arrival naman sa pagamutan ang limang taong gulang na si John Bryan Garcia, taga-Balete, na dakong 1:00 ng hapon nang malunod sa swimming pool sa Punzalan 3 Beach Resort sa Lemery.

Bandang 7:00 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Von Cedric Falculan, 6, sa dalampasigang sakop ng Laiya sa San Juan. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog