Marso 27, 1990 nang ilunsad ng gobyerno ng Amerika ang istasyon ng telebisyon na TV Marti, na nagsasahimpapawid ang mga programa tungkol sa mga kaugalian ng mga Amerikano.

Sa unang araw, nagpalabas ang TV Marti ng mga music video, mga lumang laban ng World Series, at isang sitcom show.

Tinangka ng gobyerno ng Cuba na isabotahe ang signal ng channel.

Ipinalabas ang TV Marti sa hindi ginagamit na frequencies sa Cuba, dahil ipinagbabawal ng pandaigdigang batas ang transmission ng mga television signal na makakasisira sa regular signals sa ibang bansa.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang pondong inilaan para sa Radio and TV Marti ay $27 million noong 2014 lamang, ngunit limitado ang kayang gawin ng TV Marti. Ang mga Cuban na nanonood sa TV Marti ay nakakapanood ng mga balita ng karahasan at mga documentary pro-America program.