Nagbabala ang Department of Health (DoH) laban sa posibleng pagtaas ng kaso ng tigdas, bukod sa mga sakit sa balat ngayong tag-araw.

Ayon kay Health Secretary Janette L. Garin, kahit na nagpatupad ang ahensiya ng supplemental immunization program, may posibilidad pa rin na magkaroon ng tigdas ang ilang tao sa ilang lugar, kayat kailangang maging mas maingat at malaman ang kahalagahan ng pagpapabakuna sa mga bata laban sa tigdas.

“So, kailangan pa rin ng pag-iingat at pagpapabakuna ng mga bata,” diin ni Garin.

Ayon sa Health Chief madaling makahawa ang sakit kapag dumaan ang ibang tao sa parehong lugar na dinaanan ng isang pasyente o naninirahan sa iisang lugar kasama ang ibang tao na walang tigdas, dahil naikakalat ang sakit sa pamamagitan ng hangin.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Binanggit niya na pinakamahina sa tigdas ang mga bata, buntis, at may mahinang immune system na nahantad sa mga pasyenteng may tigdas.

Upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng sakit, mahalaga na matamo ang herd immunity sa pamamagitan ng immunization program na isinasagawa ng gobyerno upang malabanan ang sakit kapwa sa komunidad at sa paaralan sa pamamagitan ng school-based immunization.

Nagpaalala siya na ang German measles sa mga buntis ay maaaring magdulot ng birth defects o makaapekto sa ipinagbubuntis ng ina kayat mahalaga na maprotektahan ang mga buntis laban dito.

Kapay mayroong kinapitan ng tigdas sa bahay, pinapayuhan ang pasyente na manatili sa loob ng bahay ng apat na araw mula sa araw na kinapitan siya ng sakit o una siyang nagkaroon ng rash upang hindi makapanghawa. - PNA