MAS madaling nakaaagapay ang mga halaman sa pag-iinit ng mundo, higit pa sa unang pagtaya ng mga siyentista, ayon sa isang bagong pag-aaral na nagsasaad na hindi naman masasabing may potensiyal na kontribusyon ang mga ito sa global warming, gaya ng pinaniwalaan ng mga mananaliksik.

Kapag umiinit, mas nahihirapang huminga ang mga halaman. At ang greenhouse gas carbon dioxide ay nalilikha sa paghinga. Kaya naman inisip ng mga mananaliksik na habang nag-iinit ang planeta dahil sa carbon dioxide na mula sa mga aktibidad ng mga tao, nakadadagdag dito ang mga halaman at pinatitindi pa ang init.

Sinisipsip ng mga halaman ang carbon dioxide sa proseso ng photosynthesis sa maghapon at inilalabas ito kapag humihinga sa gabi. Ngunit mas maraming carbon dioxide ang nasisipsip ng mga halaman sa photosynthesis kaysa ibinubuga nila sa paghinga.

Subalit ngayon, “with this new model, we predict that some ecosystems are releasing a lot less CO2 through leaf respiration than we previously thought,” sabi ng kapwa awtor ng pag-aaral na si Kevin Griffin, isang plant physiologist sa Lamont-Doherty Earth Observatory ng Columbia University.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Ang pag-aaral ay inilathala nitong Lunes sa Proceedings of the National Academy of Sciences.

Natuklasan sa pag-aaral na bumabagal ang paglalabas ng carbon dioxide habang tumataas ang temperatura, sa bawat rehiyon. At ang bagong natukoy na kurba ng galaw nito ay nagpatunay na nabawawasan ang paghinga ng mga halaman, partikular sa pinakamalalamig na rehiyon.

“What we thought was a steep curve in some places is actually a little gentler,” sabi ni Griffin.

Ang pinakamalaking pagbabago sa taya ay nasa pinakamalalamig na rehiyon, na kamakailan ay natukoy na mas nagiging mainit kaysa mga temperate zones.

“All of this adds up to a significant amount of carbon, so we think it’s worth paying attention to,” ani Griffin.

Ayon sa pangunahing awtor ng pag-aaral na si Mary Heskel, ng Massachusetts’ Marine Biological Laboratory, puspusan pa nilang palalawakin ang pananaliksik upang makatulong sa pagtaya sa “carbon storage in vegetation, and predicting concentrations of atmospheric carbon dioxide and future surface temperatures.” (Agencé France Presse)