BEIJING (AP) – Pinuri ni Leonardo DiCaprio ang pagsisikap ng China laban sa climate change at sinabing naniniwala siya na ang pangunahing nagbubuga ng greenhouse gases sa mundo ay maaaring maging “the hero of the environmental movement.”
Nasa Beijing ang environmentalist Oscar winner upang i-promote ang kanyang pelikulang The Revenant.
Nanawagan siya ng pagkilos laban sa climate change sa kanyang talumpati sa Academy Awards noong nakaraang buwan, at nitong nakaraang Linggo, pinuri ni Leonardo ang paglipat ng China sa paggamit ng renewable forms ng kuryente.
Sinabi ni Leonardo sa isang news conference na, “I really think that China can be the hero of the environmental movement, they can be the hero of the climate change movement.”
Marso 18 nang ipalabas sa China ang The Revenant na sa kasalukuyan ay kumita na ng 100 million yuan ($15 million) sa Chinese box office.