Tatlong koponan mula sa University of the East, dalawa sa San Beda College at tig-isa mula sa Far Eastern University, National University at Emilio Aguinaldo College ang umusad sa top 8 ng unang Inter- Collegiate 3x3 Invitational kamakailan sa Xavier School Gym.

Kapwa nanguna sa kani-kanilang grupo ang San Beda College-C team at ang UE –A squad na winalis ang kani-kanilang seven-game elimination assignment.

Kasunod nito, tinalo ng SBC-C ang University of the Philippines-B, 15-6 sa round of 16 para makapasok sa top 8 habang tinalo naman ng UE-A ang Arellano University-B, 21-9 upang makadiretso sa susunod na round.

Kahapon, naisagawa ang draw at sinimulan na rin ang labanan ng top 8 kung saan ang apat na mangungunang koponan ay uusad sa Final Four at bibigyan ng twice-to-beat advantage ang top 2 teams at ang magwawagi ang maghaharap sa championship round.

UAAP season 87 nagsimula na; Ateneo at UP, mauunang magbakbakan

Nanguna sa Pool A at Pool B na kapwa may 6-1 marka, ginapi ng SBC- A ang Letran –A, 17-8  sa round of 16 para makatuntong ng Round of 8 habang tinalo naman ng UE-B ang UST-B,20-12 para makapasok ng quarters.

Naungusan naman ng FEU-A ang FEU-C, 14-11 habang tinalo ng UE-C ang NU-C, 14-13 para makasama sa top 8.

Kapwa naman UST teams ang tinalo ng EAC-A at NU-B, ang una kontra UST-1, 18-16 at ang huli kontra UST-C, 21-12 para makapasok ng quarterfinals. - Marivic Awitan