Nagbabala ang Department of Health (DoH) laban sa paliligo sa Manila Bay, sinabing maikukumpara ito sa pag-inom ng ihi at paglunok ng dumi ng ibang taon.

“Do not swim at the Manila Bay because everyone knows it is contaminated. Imagine, if you swim at the Manila Bay, it is like drinking others’ urine and swallowing feces of other people. That’s how dirty it is,” sabi ni Health Secretary Janette Loreto-Garin.

Karaniwan nang eksena tuwing tag-araw ang paglulunoy sa Manila Bay ng pami-pamilya, karamihan sa kanila ay mahihirap na walang pambayad sa entrance fee sa mga pribadong pool at resort.

Ayon kay Garin, ang Manila Bay ay kontaminado ng magkakahalong dumi mula sa mga pabrika, bahayan, at ginagawa ring banyo ng ilan.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang paliligo sa Manila Bay ay maaaring magdulot ng diarrhea, dehydration, cholera, typhoid fever, hepatitis B, sakit sa baga, at skin allergies, ayon kay Garin.

Kasabay nito, pinapayuhan din ng DoH ang publiko laban sa pagbibilad sa araw sa loob ng mahigit tatlong oras, upang makaiwas sa “sunburn, heat exhaustion, and heat stroke”. - Charina Clarisse L. Echaluce