Marso 20, 1345 nang paniwalaan ng ilang medieval scholar na ang pagkakahilera ng Mars, Jupiter, at Saturn sa 40th degree ng Aquarius ang dahilan ng “Black Death” na noon ay nangyayari, at nasa 25 milyong katao ang namatay.

Ang bawat planeta ay iniuugnay sa bodily humors. Ang maruming hangin at mga lindol ay pinaniniwalaang nakasasama sa kalusugan. Noong panahong iyon, ang lahat ng aspeto ng buhay ay kontrolado ng relihiyon.

Gayunman, nadiskubre na ngayon na ang Yersinia pestis bacterium ang dahilan ng nasabing epidemya. Ito ay bacteria na taglay ng mga peste na kumapit sa mga daga. Ilan sa mga sintomas nito ang lagnat, pananakit ng ulo, panginginig, at pamumuti ng dila.

Kumalat ang epidemya mula sa Mongolia hanggang sa China at India, at umabot na rin sa Europe noong 1346. Tumaas ang bilang ng mga namatay sa mga nabanggit na lugar.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place