Vilma and Robredo

HINDI lang si Sen. Ralph Recto, na nasa pangalawang puwesto sa latest survey ng mga kandidato for senator, ang nangangampanya para kay Cong. Leni Robredo na tumatakbo para vice president ng partido nilang Liberal kundi maging ang maybahay niyang si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto.

Matatandaan na bago tinanggap ni Cong. Leni ang tumakbong vice president ay maugong ang balita na si Gov. Vi ang manok ng Liberal Party sa nasabing posisyon. May lumabas pang isyu na kesyo may ibang manok daw si Ate Vi na ikakampanya niya for VP para sa mga taga-Batangas, huh!

“Hindi maaring mangyari ‘yan, dahil Liberal si Ate Vi, kaya siyempre, si Cong. Leni ang VP niya,” sey ng isang staff ng Kapitolyo na nakasama at nakausap namin nang magtungo sina Mar Roxas at Leni sa Batangas City Sports Complex na dinaluhan ng napakaraming mga Batangueño.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Pinalakpakan nang husto ng mga taga-Batangas nang ipinakilala si Cong. Leni pero lalong umingay nang husto at nagitilian ang lahat nang tawagin ni Cong. Leni si Ate Vi.

“Ilang beses na rin akong bumaba dito sa Batangas. Naalala ko, ‘yung una ko pong pagpunta dito, bagung-bago pa lang akong kandidato para sa vice-president. Sabi ko kay Gov. Vi, ‘Gov. Vi, kasalanan mo ‘to,” banggit ni VP Leni kaya lalong nagpalakpakan ang hindi mahulugang karayom na audience sa complex.

Bukod sa Liberal, may iba pang partido na nag-alok kay Gov. Vi para tumakbo sa mas mataas na posisyon, pero mas pinili ng Star for All Seasons na kumandidato for first congresswoman ng Lipa City.

“Sobrang mahal na mahal ni Gov. Vi ang Batangas, ayaw niyang iwan,” patuloy na sabi ni Cong. Leni. “Kaya sabi ko, Gov. alam ko na po kung ano ‘yung ipapagawa kong tarpaulin dito sa Batangas. Magpa-picture tayo na itinuturo kita, ‘tapos sasabin ko; ‘Kasalanan mo ito,” banggit pa ni VP Robredo ikinatawa nang husto ni Ate Vi at ng audience nila.

Samantala, tuluy-tuloy na tumataas sa survey ang manok ng Liberal Party na si Cong. Leni Robredo. Bagamat nasa pangatlong puwesto pa rin, siya lumiliit na nang husto ang lamang ng dalawang nasa itaas! (JIMI ESCALA)