Inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mahigit 300 special permit para sa mga pampasaherong bus dahil sa inaasahang dagsa ng mga biyahero sa panahon ng Kuwaresma, kabilang ang mga roll on, roll off (RORO) unit.

Sinabi ni LTFRB Board Member Ariel Inton na umabot sa 347 aplikasyon para sa 749 na bus unit ang inaprubahan ng ahensiya.

Aniya, nasa 381 ang orihinal na bilang ng aplikasyon na isinumite sa LTFRB na may katumbas na 983 bus.

“We have opened the application for the issuance of special permits for the Lenten season since February of this year. This is to cater to all passengers who wish to spend their long weekends outside Manila,” aniya.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mahalaga, ayon sa opisyal, ay hindi bumibiyahe ang mga naturang bus na kolorum at napananatili ang kaligtasan ng mga pasahero.

“We hope we could lessen if not fully eradicate those who operate colorum buses who give us an excuse that there aren’t enough buses to cater the passengers,”ani Inton.

Pinaalalahanan din ni Inton ang operator ng mga colorum bus na ang multa dito ay P1 milyon. (CZARINA NICOLE ONG)