JESSY, DAWN AT JC copy

SA huling dalawang linggo ng You’re My Home, tila nakuha na ng pamilya Fontanilla ang katahimikan na matagal na nilang inaasam, ngunit isang panibagong gulo mula sa nakaraan ang sisira nito.

Ilang taon simula nang makidnap si Vince (Paul Salas), ang pangyayari na sumira sa kanilang pamilya, nagkabalikan sina Gabriel (Richard Gomez) at Marian (Dawn Zulueta) at planong magpakasal muli.

Tanggap na rin nilang maging bahagi ng kanilang pamilya si Christian (JC de Vera) at suportado ang pagpapakasal nito at ng anak nilang si Grace (Jessy Mendiola).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Lalo pa silang pagbubuklurin ng pagdadalantao ni Grace, ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin matanggap ng mga Vergara – lalo na ang ama niyang si Victor (Tonton Guttierez) – ang kanilang relasyon.

Saka naman lumabas ang madilim na katotohanan mula sa nakaraan sa unti-unting pagbabalik ng alaala ni Vince – kung sino nga ba ang kumidnap sa kanya noong bata pa siya. Muli kaya nitong mawasak ang kanilang pamilya?

Ibinahagi nina Richard at Dawn ang mga natutuhan nila sa serye.

“Never mag-give up sa love, lalung-lalo na sa mga anak mo. Kung may pagkakamali sila puwede nating ituwid o puwede natin silang tulungan. Up until the end hindi natin dapat sila iwan,” sabi ni Richard.

“Ang natutunan ko the value of love, protecting each other,” sabi naman ni Dawn. “Na kahit nagkakamali ang loved on natin, nandun pa rin tayo para suportahan siya.”

Nagpapasalamat naman sina Jessy at JC dahil nagkaroon ng fans ang team-up nila sa serye na kung tawagin ay “GraceTian.”

“Everytime nanonood ako ng You’re My Home, kinikilig din ako kay Christian at Grace. Na-in love na ako sa characters nila at romantic ang love story nila. Sa lahat ng GraceTians, maraming salamat dahil kami as actors, ginaganahan umarte kasi alam naming kinikilig sila,” kuwento ni JC.

“Gusto naming magpasalamat sa lahat ng nagpupuyat para mapanood ang show namin. Naa-appreciate nila ang hardwork namin. The fact that they stay up late to wait for us and our show is heartwarming. Sa sobrang late ng timeslot hindi namin in-expect na mataas ang ratings at tumatak ang characters at story sa mga tao,” sabi ni Jessy.

Tutukan ang huling linggo ng You’re My Home pagkatapos ng The Story of Us sa ABS-CBN Primetime Bida.