NAGUGUNITA ko pa ang naging babala ng aking mabait na ama (dating gobernador ng Cebu at Senador na si Rene Espina) na itikom ang aking bibig at huwag isapubliko ang aking mga mungkahi dahil mangongopya lang ang mga kandidato sa mga mungkahi o sinusulat ko. Dagdag pa ng aking 86 na taong gulang na tatay, “Ikaw ay nag-iisang nakapag-iisip ng mga ganyan, habang sila, may mga alalay na taga-payo, mananaliksik, o bayaran upang isubo sa kanilang bibig ang dapat nilang bigkasin sa harap ng taumbayan para lang makasungkit ng boto”.

Sa madaling sabi, hindi nakatanim sa kanilang puso at hindi bukal sa kanilang kalooban ang kanilang mga sinasabi.

Noong bumalik ako sa telebisyon noong Disyembre ng 2009, sa isang programa ng GNN sa ilalim ng Destiny Cable Channel 8, ang huling katanungan sa akin bilang “guest” ay, “Anong klaseng presidente ang gusto mo?”.

Hindi ko makalimutan ang naging sagot ko dahil matagal ko nang nailabas ito sa Tempo (kapatid na lathalain) at sinabi kong, “Marami nang pangulong nagdaan na laging nagsasabi at nangangako sa atin na babakahin nila ang corruption sa pamahalaan, subalit naghihintay ako ng presidente (at sa puntong ito diretso kong tinitingnan ang camera) na diretsahang magsasabing – Hindi ako magnanakaw sa inyo!”

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayon na! Sa loob ng ilang linggo, may kandidatong posturang naka-dilaw na halatang nagbabasa sa “tele-prompter” na malamya at plakadong kumopya sa aking mga salita. Pati mga namayapang magulang nito, sinama sa usapin. Totoo bang hindi siya nagnakaw, ngayong patapos na ang kanyang termino? Pakisagot ang halos P20-P25 milyon na inaakyat linggu-linggo mula “Jueteng” sa Palasyo sa unang araw ng panunungkulan hanggang sa kasalukuyan. Kung bakit isang kaklase pa ang itinurong Undersecretary sa DILG dati! Heto muli, ginagamit ang mga katagang una nating inihain sa madla noong 2009 dahil batid ko ang tunay na suliranin ng mga Pilipino at balakid sa ating Republika.

Kinakasangkapan ang dalisay na hangarin upang akitin at kurutin ang pusong Pinoy. Ang sagot ng may akda ay – ang pangulong harap-harapang nangangako na hindi mangungulimbat, dapat hindi lang kontra, bagkus galit sa mga kapamilya, kaibigan, kaklase, ka-barilan na susubok mangulimbat sa ilalim ng kanyang pamahalaan. Hindi ako magpapalanse na ang presidente naiisahan!

Kung may nakawang nagaganap ay dahil may basbas nito. Ibig sabihin, kasabwat siya! (ERIK ESPINA)