Nasa state of water calamity ngayon ang Iloilo City.

Inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod (SP) nitong Martes ang resolusyon para isailalim sa state of calamity ang lungsod dahil sa mga epekto ng El Niño phenomenon.

Ang deklarasyon ay nakaangkla sa board resolution 001-2016 ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) na inendorso ni Mayor Jed Patrick Mabilog.

Sinabi ni Councilor Julie Grace Baronda, may-akda ng resolusyon, na ang mga inisyal na barangay na apektado ng weather phenomenon ay ang Lanit, Buntatala, Bitoon at San Isidro sa distrito ng Jaro at San Juan, Boulevard at Calumpang sa distrito ng Molo. Ayon dito, napakababa ng lebel ng tubig sa mga balon at malala ang kakapusan sa tap water resources dahil sa tagtuyot at sa El Niño phenomenon.

National

DILG Sec. Abalos, sinabihang 'epal to the highest level' ni Atty. Topacio

Nag-ulat din ng matinding kakapusan sa tubig ang mga barangay ng Camalig, Cubay at Tabuc Suba sa Jaro at Calumpang sa Molo.

Ang lungsod ay mayroong existing calamity fund na mahigit P100 million kabilang na ang carried over ng calamity fund noong 2015. Gagamitin ang paunang P3 million sa water delivery project. (PNA)