TARLAC CITY - Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga taga-Central Luzon na makibahagi sa 1st Semester Barangay Assembly na idaraos sa kani-kanilang lugar sa Sabado, Marso 19.

Ayon kay DILG-Region 3 Director Florida Dijan, kabilang sa mga aktibidad sa Barangay Assembly ang State of Barangay Address, na tatalakay sa mga naging tagumpay at sa financial report ng barangay sa ikalawang semestre ng 2015, bukod pa sa updates sa mga programa at proyekto ng barangay ngayong taon.

Tatalakayin din ang revitalization ng Barangay Anti-Drug Abuse Council, alinsunod sa kampanyang “Mamamayan, Sugpuin ang Ilegal na Droga”; pagpaparehistro sa mga kasambahay, at pagpiprisinta ng mga proyekto sa ilalim ng Barangay Bottom-up Budgeting. (Leandro Alborote)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?