TV5 HOSTS copy

GAGANAPIN sa Performaing Arts Hall ng UP Cebu sa Marso 20 (Linggo) ang second leg ng PiliPinas Presidential Debates 2016 na iho-host ng TV5 at Philippine Star.

Mula sa unang leg na ginanap sa Mindanao noong nakaraang buwan, muling maghaharap-harap ang limang presidential candidates sa kaabang-abang na Cebu Face-Off.

Ang multi-awarded broadcast journalist at News5 Head na si Luchi Cruz-Valdes ang magiging moderator kasama ang ilan sa mahuhusay at respetadong miyembro ng panel na sina Erwin Tulfo; Lourd de Veyra; DYHP RMN Cebu commentator Atty.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ruphil Bañoc; Philippine Star associate editor at columnist Marichu Villanueva; Bloomberg TV PH Host at economist Atty. Tony Abad; at Philippine Star Editor-In-Chief Ana Marie Pamintuan.

Kilala ang News5 bilang leader pagdating sa digital technology at fair news reporting kaya makakaasa ang Pinoy televiewers na magiging in-depth, unbiased at unparalleled ang presentation nito ng Cebu presidential debate.

“The coverage of the March 20 debate is the centerpiece in our Bilang Pilipino program to provide Filipino voters and the general public, with the most extensive and in-depth coverage of the 2016 national elections,” pahayag ni TV5 President and CEO Emmanuel C. Lorenzana.