Umangat na sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) ang mga pambato ng administrasyong Aquino na sina Mar Roxas at Leni Robredo.

Sa survey noong Marso 4-7, dumikit na si Roxas kay Vice President Jejomar Binay, na bumagsak ang rating sa survey.

Nakakuha ng 22 porsiyento si Roxas mula sa 18 porsiyento sa huling survey.

Si Binay naman ay lumagapak sa 24 porsiyento mula sa 29 porsiyento sa nakaraang survey.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Si Senador Grace Poe ay nakakuha ng 27 porsiyento habang si Davao City Mayor Rodrigo Duterte ay natapyasan ng tatlong puntos mula sa 24 hanggang sa kasalukuyang 21 puntos. 

Si Robredo naman ay tumalon ng limang puntos mula sa 19 porsiyento noong nakaraang survey, at ngayon ay nasa 24 porsiyento na.

Dalawang puntos lang ang lamang nina Senators Chiz Escudero at Bongbong Marcos kay Robredo, na tabla para sa unang puwesto.  

Ayon sa mga political analyst, sina Roxas at Robredo ang pinakamalaki ang iniangat sa huling survey.

“What we have to consider really is to find out whether this survey will be validated by other surveys, kasi it’s interesting to find out what explains the increase in the numbers of Secretary Mar and Leni Robredo because this is something that is rather not expected by many,” sabi ni Edmundo Tayao, isang political analyst. (Beth Camia)